June 4, 2009

Kahapon

Nakapag-gym na rin ako sa wakas. Ang hirap pala pag pers taym, demmit. Sakit tuloy ng buong katawan ko. Sa cardio palang parang lumabas na ata lahat ng likido sa katawan ko. Understatement ata kung sasabihin kong nadehydrate ako. Haha! Pero okey lang naman, kahit di ko magawang maistrets ang mga galamay2x, ramdam ko na agad ang resulta. Gumaan bigla pakiramdam ko tas ang dami kong nagawa pagkatapos ko sa gym.

Natapos na rin enrolment ko. Nakakabadtrip. Limang oras kaming pinaghintay para lang sa printout namen. Ito pa mas nakakabadtrip--inilagay ako sa ibang section. Peste talaga. Iisa lang kasi kakilala ko dun tas di ko pa kasundo, medyo mahangin kasi--matalino nga pero mahangin. Naleche din pala skedyul ko. MWF kasi 5:50-6:50pm lang klase ko tas TTH naman 7:40am-5:40pm diretso maliban na lang sa 30 minutos na lunch break. Dadagbadtrip--kahit sa lunes pa pasukan namin binigyan na agad kami ng asaynment. Hindi excited si Ser Pol. Haha! Sabi pa "to ol BSA, please read in adbans chapter 1." Nakang chapter 1 = 90 pages pala!? Parang gusto ko na tuloy magship ng ibang kors ulit.

Sasali nga pala ako sa try outs para sa table tennis players ng dibisyon namen ngayong linggo. Reserba lang kasi ako nung huling taon kasi bagong salta pa lang daw ako. Parang dito lang ata ako naging eksayted dis sem. . .

5 comments:

eMPi said...

oy.. good luck parekoy! :)

Trainer Y said...

gudlakers naman sa tryouts...
at sa 90 pages na asaynment... dudlak na rin
at isama mo na rin ang napakagandang skeydyul mo ahihihihi
hmmmmm tiyaga lang...
pag natapos mo schooling mo, hahanap-hanapin mo rin yan..
ahihihihi

Cedrix said...

kaya nga ayoko mag-gym kasi sakit sa katawan ko.... tama na ang patay ako!!!

theNOTcrack said...

MarcoPaolo: salamat parekoy!

Yanah: salamat din...pansamantala lang din naman 'to. ingat ;)

Cedrix: masakit lang yan sa una pero parang wala lang kalaunan

Dhianz said...

uy! arjay-kun... bz kah na w/ 'ur life ahh... saya naman.... ayos ahh... 90 pages of reading agad... and nice... sasali kah pa sa tennis... well... enjoy 'ur sched... and patuloy ka lang sa gym para maging sexy lalo... lolz... ingatz. Godbless! -di

Blogger Templates by OurBlogTemplates.com 2008

ss_blog_claim=2482c02be5e297f144ee60029255d6d4