June 13, 2009

hang-ger strayk

Lagpas dalawang araw din akong nanatili sa loob ng aking silid. Isang beses lang ata akong nakakain sa loob ng dalawang araw na yun pero naliligo naman ako. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kukute ko o kung anong demonyo ang sumanib sa akin basta bigla nalang akong nawalan ng gana. Mag-internet man o magtext, ni ang maglaro nga ng its da peyborit na DOTA at jamlegend parang inayawan ko rin nung mga panahong iyon.

Naranasan mo na rin bang maging ganito? Gusto mong mag-emoemo nang wala namang dahilan? Ngayon lang kasi ulit ito nangyari sa akin matapos ang mahaaaaaabang panahon. Hindi ko alam kung sanhi ba ito ng anxiety, o ng matinding kalungkutan, o 'di kaya ng pagod lang. Yung tipong pagod ka na at sawa ka na sa mundong ginagalawan mo. At kahit anong eport mong baguhin 'to ay parang useless lang din.

Ang dami nang nangyayari sa paligid ko. Ang dami nang mga pagbabago. Habang ako ay nananatiling ganito pa rin--hindi kayang makipagsabayan sa mundong aking ginagalawan. Hindi ko na alam kung saan ako patutungo.

Marami rin akong napagnilay-nilayan sa aking pseudo-sabbatical--tungkol sa mga pangarap ko sa buhay, lablayp(kung meron man), at kung anu-ano ano ano ano pa. Sa dami ata nila ay nakalimutan ko na. Haha!

Oki naman ako. Wala namang dapat ipag-alala sakin. Yun nga lang lumuluwag ang turnilyo sa utak kung minsan pero matinu-tino pa naman ako. Ganito talaga ang buhay. . . hampair!


salamat sa mga nag-alala -- sa aking lola at sa isa pang tao dyan sa tabi-tabi . . . sori na at salamat ulit

3 comments:

Trainer Y said...

meron talagang ganyang mga pagkakataon na dumadating sa buhay natin na kailoangan nating mag-isa.. magkulong sa isang lugar..para mapag-isipan the life were living...lots og things like this and that... hindi ko sasabihing normal yan.. pero kase once in a while kailangan nating manahimik sandali....

darksphere said...

i agree to Yanah.. sometimes i also have those depression episodes kahit hindi ko alam bakit.. praying also helps. at of course, yung comfort food mo.. hehehe! sa akin kasi makakain lang akon ng ice cream ok na ako.. hehe!

Hari ng sablay said...

gnyan din ako minsan,may maliit kasi akong terace dito sa kwrto ko,dun ako minsan yosi-yosi sounds-sounds...nagninilay-nilay...ngeemo-emo...

Blogger Templates by OurBlogTemplates.com 2008

ss_blog_claim=2482c02be5e297f144ee60029255d6d4