Cancelled
May laro dapat kami ngayong hapon sa Smashville. Nagtext ung taga division, hindi na daw matutuloy kasi apat lang daw kaming nagcommit na pumunta. Lang hiya! Eksayted pa naman akong makapagpingpong ulit.
Pati yung simula ng klase bukas ay nilipat na din sa piptin. (annoyed) Eksayted na rin akong pumasok. Nilinisan ko pa nga yung sapatos kong pinamahayan na ng mga gagambito. Tas ganun lang nila kadaling ipostpone yung klase bukas? (annoyed ulit)
Egocentric ako, sensya na. Nakakabadtrip lang talaga kapag nakahanda ka para sa isang bagay/event/pangyayari tas bigla na lang mawala o makakasela. Alam ko namang walang kwenta tong mga pinagsasabi ko dito kasi di naman ako lang ang tao sa mundo, diba? The whole world doesn't revolve around me. I know that. Tae lang kase. . . nagpakapagod pa akong magprepare para sa wala.
Offtopic: Scary shit na ang AH1N1 virus. Kumakalat na ata. Kaya extra-ingat ang maipapayo ko sa lahat. Inom ng maraming vitamin C at maghugas daw palagi ng mga kamay.
3 comments:
nakakainis nga talaga yung ganun..
nakakadisappoint yung biglang madidisrupt ung mga planado mo ng bagay..
pero madalas sa madalas, ganun ang nangyayari... ganun ang buhay.. unpredictble
YanaH: kaya nga minsan ayoko nang magplano ng kung anu-ano, masisira lang din kase ;)
amen. tama nga . i hate planned events na biglang cancel. gudlak na lang sa h1n1 . wala na ang craze as of posting. hehe
Post a Comment