June 13, 2009

hang-ger strayk

Lagpas dalawang araw din akong nanatili sa loob ng aking silid. Isang beses lang ata akong nakakain sa loob ng dalawang araw na yun pero naliligo naman ako. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kukute ko o kung anong demonyo ang sumanib sa akin basta bigla nalang akong nawalan ng gana. Mag-internet man o magtext, ni ang maglaro nga ng its da peyborit na DOTA at jamlegend parang inayawan ko rin nung mga panahong iyon.

Naranasan mo na rin bang maging ganito? Gusto mong mag-emoemo nang wala namang dahilan? Ngayon lang kasi ulit ito nangyari sa akin matapos ang mahaaaaaabang panahon. Hindi ko alam kung sanhi ba ito ng anxiety, o ng matinding kalungkutan, o 'di kaya ng pagod lang. Yung tipong pagod ka na at sawa ka na sa mundong ginagalawan mo. At kahit anong eport mong baguhin 'to ay parang useless lang din.

Ang dami nang nangyayari sa paligid ko. Ang dami nang mga pagbabago. Habang ako ay nananatiling ganito pa rin--hindi kayang makipagsabayan sa mundong aking ginagalawan. Hindi ko na alam kung saan ako patutungo.

Marami rin akong napagnilay-nilayan sa aking pseudo-sabbatical--tungkol sa mga pangarap ko sa buhay, lablayp(kung meron man), at kung anu-ano ano ano ano pa. Sa dami ata nila ay nakalimutan ko na. Haha!

Oki naman ako. Wala namang dapat ipag-alala sakin. Yun nga lang lumuluwag ang turnilyo sa utak kung minsan pero matinu-tino pa naman ako. Ganito talaga ang buhay. . . hampair!


salamat sa mga nag-alala -- sa aking lola at sa isa pang tao dyan sa tabi-tabi . . . sori na at salamat ulit

June 7, 2009

Cancelled

May laro dapat kami ngayong hapon sa Smashville. Nagtext ung taga division, hindi na daw matutuloy kasi apat lang daw kaming nagcommit na pumunta. Lang hiya! Eksayted pa naman akong makapagpingpong ulit.

Pati yung simula ng klase bukas ay nilipat na din sa piptin. (annoyed) Eksayted na rin akong pumasok. Nilinisan ko pa nga yung sapatos kong pinamahayan na ng mga gagambito. Tas ganun lang nila kadaling ipostpone yung klase bukas? (annoyed ulit)

Egocentric ako, sensya na. Nakakabadtrip lang talaga kapag nakahanda ka para sa isang bagay/event/pangyayari tas bigla na lang mawala o makakasela. Alam ko namang walang kwenta tong mga pinagsasabi ko dito kasi di naman ako lang ang tao sa mundo, diba? The whole world doesn't revolve around me. I know that. Tae lang kase. . . nagpakapagod pa akong magprepare para sa wala.

Offtopic: Scary shit na ang AH1N1 virus. Kumakalat na ata. Kaya extra-ingat ang maipapayo ko sa lahat. Inom ng maraming vitamin C at maghugas daw palagi ng mga kamay.

June 4, 2009

Kahapon

Nakapag-gym na rin ako sa wakas. Ang hirap pala pag pers taym, demmit. Sakit tuloy ng buong katawan ko. Sa cardio palang parang lumabas na ata lahat ng likido sa katawan ko. Understatement ata kung sasabihin kong nadehydrate ako. Haha! Pero okey lang naman, kahit di ko magawang maistrets ang mga galamay2x, ramdam ko na agad ang resulta. Gumaan bigla pakiramdam ko tas ang dami kong nagawa pagkatapos ko sa gym.

Natapos na rin enrolment ko. Nakakabadtrip. Limang oras kaming pinaghintay para lang sa printout namen. Ito pa mas nakakabadtrip--inilagay ako sa ibang section. Peste talaga. Iisa lang kasi kakilala ko dun tas di ko pa kasundo, medyo mahangin kasi--matalino nga pero mahangin. Naleche din pala skedyul ko. MWF kasi 5:50-6:50pm lang klase ko tas TTH naman 7:40am-5:40pm diretso maliban na lang sa 30 minutos na lunch break. Dadagbadtrip--kahit sa lunes pa pasukan namin binigyan na agad kami ng asaynment. Hindi excited si Ser Pol. Haha! Sabi pa "to ol BSA, please read in adbans chapter 1." Nakang chapter 1 = 90 pages pala!? Parang gusto ko na tuloy magship ng ibang kors ulit.

Sasali nga pala ako sa try outs para sa table tennis players ng dibisyon namen ngayong linggo. Reserba lang kasi ako nung huling taon kasi bagong salta pa lang daw ako. Parang dito lang ata ako naging eksayted dis sem. . .

Blogger Templates by OurBlogTemplates.com 2008

ss_blog_claim=2482c02be5e297f144ee60029255d6d4