ang aking alaga
ako'y may alaga
puro mga daga
sila'y mahahaba
'di nga lang matataba
bumili ako ng dalawa
nadagdagan ng anim pa
bago lang kasi nanganak
ang mga daga kong manyak
sabi pa ng aking mami
mga daga mo'y mapapangahi
ba't yan pa ang iyong napili
pwede naman ang doggie
sabi ko naman kay mami
mahal kasi ang doggie
buti na rin 'tong mousy
kasi mabilis lang dumami
'to namang si lola
suportib sa aking mga daga
siya ang nag-alaga
nung ako ay nawala
ang aking dalawang alaga
naging walong daga
bukas o samakalawa
baka sila'y madagdagan pa